Kapag nakita ka, ako'y nahihiya
At 'pag kausap ka, ako'y namumula
Sabi ng puso ko, ako'y in love sa 'yo
Sana ay mahalin mo rin ako
'Pag kasama ka, wala nang pangamba
Nais kong sabihing minamahal kita
'Di sinasadya, biglang nasabi mo
"Sana ay mahalin mo rin ako"
Kay sarap pala nang ibigin mo
Para bang ulap ang nilalakaran ko
Simoy ng hangin na dumadampi sa buhok mo
Nagsasabing mahal mo rin ako
Oh, bakit ba tayo'y nagkatagpo?
Wala na sanang wakas ang pag-ibig nating ito
Marami mang hadlang ang dumating sa isipan mo
Sana ay mahalin mo pa rin ako, whoa, whoa
Simoy ng hangin na dumadampi sa buhok mo
Nagsasabing mahal mo rin ako
Oh, bakit ba tayo'y nagkatagpo?
Sana'y wala nang wakas ang pag-ibig nating ito
Marami mang hadlang ang dumating sa isipan mo
Sana ay mahalin mo pa rin ako, whoa, whoa
Mahalin mo pa rin ako hanggang wakas
Mahalin mo pa rin ako, kay dami man ng hadlang
Mahalin mo pa rin ako, oh sana
Sana'y mahalin mo pa rin ako