Sa bawat paglubog at pagsikat ng araw
Naaalala ko ang mga mukha ng aking mga anak
Kahit malayo man o hindi makapiling
Sila pa rin ang liwanag ng aking daigdig
May mga gabing tahimik at puno ng pangungulila
Ang puso ko’y nalulungkot at nais silang makita
Madalas tumulo ang luha sa aking mga mata
Sa pagmamahal na laging nasa isip at diwa
Mga anak kong hindi ko kapiling ngayon
Ang pagmamahal ko sa inyo’y walang hanggan at walang katapusan
Kahit malayo ang agwat ng ating mga landas
Kayo ang lakas ko, at pag-asa ng buhay ko.
Ipinapanalangin ko sa bawat pagdarasal
Na kayo’y ingatan, gabayan, at pagpalain
Ang bawat pangaral at pagmamahal na ibinigay
Ay dadalhin ninyo saan man kayo magtungo
Mga anak kong hindi ko kapiling ngayon
Ang pagmamahal ko sa inyo’y walang hanggan at walang katapusan
Kahit malayo ang agwat ng ating mga landas
Kayo ang lakas ko, at pag-asa ng buhay ko.
Darating din ang panahon na tayo’y magkakasama
Mawawala ang layo at mapupuno ang pagkukulang
Sa ngayon ay dadalhin ko ang pag-ibig sa puso
Hanggang sa muli nating pagkikita
Mga anak kong hindi ko kapiling ngayon
Ang pagmamahal ko sa inyo’y walang hanggan at walang katapusan
Kahit malayo ang agwat ng ating mga landas
Kayo ang lakas ko, at pag-asa ng buhay ko.
Mga anak kong mahal na mahal ko
Kahit hindi ko kayo kapiling ngayon
Gusto kong malaman n'yo na kayo ang buhay ko.