Nakita ko ang sandamakmak na labahan.
kumuha ako ng tubig at ito'y binuhusan.
habang ito'y patuloy kong binubuhusan, ay parang may nararadaman akong medyo may kalamigan..
parang yung dating tayo na sandamakmak ang pagmamahalan
na unti-unting nawawalan ng tiwala sa pag-iibigan
na binubuhusan ng selos at kung ano-ano pang nakakarindi pang mapapakinggan..
habang kinukuskos ko ang damit para matanggal ang mga mantsa,
ako'y biglang may naalala, na sana ang mga maruruming nakaraa'y madaling nawawala.
dumating sa oras na ako'y mag sasabon na pala.
ngunit sa pag buhos ko ng sabon, naalala ko na naman ang mga pangako sa kanya.
Na sa bawat butil ng sabon ay ganoon rin ang pangarap ko para sa aming dalawa.
ngunit yung mga pangarap at pangako lang pala'y mawawala na parang bula.
at heto na nga. heto na yung time na ako'y magsasampay.
inuna ko muna ang iba't ibang kulay.
habang ako'y nakatayo ay natisod ako't nakapagsabi ng Aray!
na parang sya na isinasalba ko ang kanyang buhay.
kahit alam ko sa sarili ko na nahulog na ko sa hukay.
pero tinuloy ko parin kahit na bumitaw sya aking mga kamay..